Job and business fairs ng DOLE, dinagsa

Metro News

Dinagsa ng mga naghahanap ng trabaho ang isinagawang 2017 Independence Day Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK), Job and Business Fairs ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong araw.

Umabot sa mahigit na animnaraang employers mula sa mga pribadong kumpanya, gobyerno at overseas ang nakibahagi sa nasabing job fair.

Nasa sandaan at dalawampu’t tatlong libong bakanteng trabaho sa loob at labas ng bansa ang maaaring aplayan.

Labindalawang job fairs ang sabay-sabay na inilunsad ng DOLE kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *