Opposition senators, walang kaugnayan sa Marawi rebellion

National News

Walang kaugnayan ang Opposition senators sa Marawi Seige.

Ito ang pagtitiyak ni Senate President Koko Pimentel.

Ayon pa kay Pimentel, mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nagkumpirma na walang intelligence report na nagsasabing konektado sa Marawi rebellion at Maute group ang mga senador ng Oposisyon.

Magugunitang si Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre ang nagsiwalat sa umano’y Marawi meeting ng Opposition lawmakers, ilang araw bago ang pag-atake ng Maute terror group.

Binawi naman ni Aguirre ang pahayag makaraang ulanin ito ng batikos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *