P800k halaga ng shabu, nasabat sa Bacolod City

Regional

Tinatayang nasa P800,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa magkasunod na buy-bust operation sa Purok Fatima, Barangay 31 sa Bacolod City nitong Linggo.

Natimbog ang target ng operasyon na sina Samdosee Dimasangcai at pinsan nitong si Asnia Mariga na parehong nasa listahan ng drug personalities.

Arestado rin ang pangalawa sa listahan ng mga drug personality sa lugar na si Khominee Dimasangcai, kasama ang mga kapatid na sina Gaonara at Bolawan Dimasangcai at Amir Menor, Darrel Mifa at Irene Mae Chicano.

Nakumpiska sa bahay ni Samsodee Dimasangcai at Mariga ang 18 malalaking pakete ng shabu, drug paraphernalia at dalawang libong pisong marked money.

Sasampahan ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *