Posibleng gastroenteritis, cholera outbreak binabantayan ng DOH sa Marawi

Regional

 

Nakatutok ngayon ang Department of Health (DOH) sa posibleng gastroenteritis at cholera outbreak sa libung-libong evacuees mula sa Marawi.

Sa sampung sinuring evacuees, dalawa umano ang nagpositibo sa cholera na isang diarrheal infection sanhi ng pagkain at pag-inom ng tubig na kontamido ng vibrio cholerae bacterium.

Lima hanggang anim na kaso naman ng gastroenteritis ang naitatala kada- araw sa mga evacuation at ospital.

Sinabi naman ni Health Secretary Paulyn Ubial na kontrolado na nila ang situwasyon at siniguro na ang ‘zero open defecation’ sa mga evacuation center.

Hinikayat din ng kalihim ang mga sibilyang mag-disinfect para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Nasa 40 evacuation centers ang itinayo sa Iligan City at mga lalawigan ng Lanao del Sur, Lanao del Norte at Bukidnon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *