Riot police, militanteng grupong kontra-Martial Law, nagkagirian sa Maynila 

National News

Nagkagirian ang riot police at mga militanteng grupo matapos tangkaing mag-rally sa harapan ng US Embassy kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Sa Kalaw Avenue sa Maynila pa lamang ay agad nang naharang ng mga awtoridad at truck ng mga bombero ang mga nagra-rally.

Matapos bigong makapasok sa US Embassy ay itinuloy na lamang ng mga ito ang kanilang programa sa Kalaw Avenue sa pangunguna ng mga lider ng grupong Bayan, Gabriela, Kilusang Mayo Uno at Anakpawis.

Sigaw ng iba’t ibang grupo na bawiin na ang Martial Law na idineklara sa Mindanao.

Kinukundena rin ng mga militante ang pakikialam umano ng Estados Unidos sa gulo sa Marawi at sa usapin sa West Philippine Sea (WPS).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *