Buwis sa bibilhing properties, pinalagan

National News

Sinimulan na ng Senate Ways and Means Committee ang pagdinig sa panukalang tax reform na gagamitin ng gobyerno para pondohan ang siyam na trilyong pisong infrastructure buildup nito.

Sa nasabing pagdinig, kinontra ni senadora Cynthia Villar ang plano ng Department of Finance (DOF) na buwisan ang mga bibilhing property na may halagang tatlong milyong piso.

Ani Villar, makakaapekto ang planong ito ng DOF sa mga Overseas Filipino Worker na karaniwang ipinambibili ng bahay ang kanilang mga naipon.

Wala naman aniyang kasiguraduhan na gagastusin ng gobyerno sa maganda ang ipapataw na buwis.

Dagdag pa ni Villar, dapat ay mahimok ang mga OFW na mag-invest ng kanilang pera sa tama para may maipamana sa kanilang mga pamilya.

Sinabi naman ng DOF na kanilang ikokonsidera ang mga suhestyon ni Villar.

Ang pamilya ni Villar ay may negosyong real estate.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *