Pacquiao, ‘di pa magreretiro sa boxing

Sports

Tuloy pa rin ang boxing career ni senador Manny Pacquiao bagama’t natalo ito kay Jeff Horn sa laban sa Brisbane, Australia noong Hulyo a-dos.

Sa instagram post ng Pambansang Kamao, sinabi nito na mahal niya ang boxing at patuloy siyang makikipaglaban para sa panginoon, pamilya, fans at para sa bayan.

Una nang pinag-usapan ang posibilidad ng pagreretiro ni Pacquiao matapos bigong madepensahan ang WBO welterweight title kontra Horn.

Sa re-scoring naman ng World Boxing Organization, iginiit nitong si Horn ang nanalo sa laban kay Pacquiao matapos makuha ang pitong rounds.

Sa ngayon ay inaabangan kung magkakaroon ng rematch sina Pacquiao at Horn.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *