AFP, kinumpirma ang 2 sundalo na napatay sa pumalyang airstrike sa Marawi

National News

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may dalawang sundalong nasawi sa pumalyang friendly fire sa Marawi.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla, hindi natamaan ng bomba ang target nito sa loob ng 200 metro kaya’t mga sundalo ang natamaan at nasawi.

Tinamaan ng debris ng gusaling tinamaan ng bomba ang mga sundalo.

Labing-isa naman ang sugatan matapos tamaan ng shrapnel.

Sa ngayon ay nakalagak na sa Iligan City ang labi ng dalawang sundalong nasawi.

Ito na ang ikalawang beses na may nasawing sundalo sa friendly fire ng militar.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng nasawing dalawang sundalo at tiniyak ang tulong sa mga naulila ng mga ito.

Matatandaan naman na noong Hunyo a-uno ay sampung sundalo ang nasawi dahil sa palyadong airstrike.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *