Chairman Santiago, hindi tatanggapin ang alok na puwesto sa BuCor

National News

Hindi umano tatanggapin ni DDB Chairman Dionisio Santiago ang alok na siya ang pumalit bilang head ng Bureau of Corrections (BuCor)matapos mag-resign sa pwesto si Benjamin delos Santos.

Ito ang inihayag ni Santiago sa eksklusibong panayam ng SMNI News Channel sa programang Usaping Bayan.

Aniya, kung papipiliin siya, gusto niya ang dating pwesto ni dating Sec. Ochoa, ang paghawak sa anti-crime commission dahil kasabay nito ay makakapagmando siya sa iba’t-ibang ahensya kagaya ng AFP, PNP at magkakaroon ng koordinasyon sa mga ito.

Ipinagpapaubaya na rin umano niya sa pangulo kung saang pwesto siya ilalagay nito.

Pinuri naman ni Justice secretary Vitaliano Aguirre III si Santiago sa pormal na sulat na ipinadala nito sa opisina ni Pang. Duterte na nagsasabing kayang-kaya nitong pamunuan ang BuCor.

Matatandaang, si dating BuCor chief delos Santos  ay nag-resign kamakailan lamang dahil sa umano’y isyu ng pagbabalik ng kalakalan ng iligal na droga sa Bilibid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *