DOTr, tiniyak na matatapos railways system ng buong bansa bago matapos ang Duterte Administration

Metro News

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, naisaayos na nila ang buong railway system sa bansa.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Transporation Sec. Arthur Tugade, hangad nilang mailagay sa maayos na kondisyon ang 1900 kilometrong riles ng Philippine National Railways.

Ayon kay Sec. Tugade, kasama sa planong pagpapahusay sa railway system ang pagdaragdag ng bagon at mga tren.

Aniya, mula Luzon hanggang Mindanao ay nakalatag na ang mga proyekto para sa mas maayos na biyahe ng mga pasahero.

Sinabi ni Tugade na sa ngayon ay napahusay na ang transport system mula Tutuban hanggang Clark; dagdag pa ni Tugade, hindi rin nila pababayaan ang Mindanao dahil sa katunayan ay sisimulan na sa susunod na taon ang unang bahagi ng Mindanao Express o kabuuang 1500 kilometrong riles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *