Martial Law extension hanggang Disyembre, labag sa konstitusyon­­ – Lagman

National News

Paglabag sa konstitusyon ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang batas militar sa Mindanao hanggang sa Disyembre a-trenta y uno.

Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, alinsunod sa Saligang Batas ay walang papayagang extension ng Martial Law nang lagpas sa animnapung araw.

Nakakabahala pa aniya ang mga pahayag ni Duterte na posibleng maging malupit ang batas militar niya at sa mga sinasabi rin nitong papuri sa batas militar na ipinatupad naman ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Punto pa ni Lagman, ang intensyon ng konstitusyon ay limitahan ang panahong maaaring ideklara ang Martial Law.

Inaasahan namang maghahain ang kampo ni Lagman ng motion for reconsideration sa Korte Suprema matapos nitong katigan ang Mindanao Martial Law.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *