Suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar ng lindol, unti-unti nang naibabalik

Regional

Umabot sa mahigit isang milyong  consumer ang apektado sa nangyaring 5.4 magnitude na lindol na tumama sa Ormoc City sa Leyte noong July 10.

Ayon kay DOE Spokesperson Usec. Felix William Fuentebella, na sa ngayon ay 155 megawatt o 61% na kuryente na muna ang kanilang naibibigay sa Bohol, Samar at Leyte dahil sa mga nasirang generator na dulot ng lindol.

Pero magandang balita dahil ngayong darating na linggo ay aakyat na sa 195 megawatt o 76% na ang magiging suplay ng kuryente sa mga nabanggit na lugar at ngayong july 31 ay inaasahan na makukuha na ng Department of Energy (DOE) ang kanilang target na 255 megawatt o 100% na suplay na kuryente sa Samar, Bohol at Leyte.

Sa ngayon ay sinisikap nila na maging mas maaga ang pagkumpleto sa 100% na suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar para hindi na mahirapan pa ang mga residente sa kanilang unti-unting pagbangon pero possible umano itong maantala kung made-delay ang byahe ng mga materyales na kinakailangan sa pagkumpuni sa mga nasirang generators.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *