Online appointment system para sa medical assistance, bukas – PCSO

National News

 

Bukas na  ang online appointment system ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PSCO para sa Individual Medical Assistance Program (IMAP) application.

Ang anunsiyo  ay pormal na inihayag ni PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz sa isang presscon na ginanap sa Mandaluyong City.

Ang naturang programa ay alinsunod na rin sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte pabilisin pa ang  serbisyo sa publiko at upang  maiwasan na rin ang perwisyo dahil sa haba ng pila ng mga nangangailan ng tulong.

Sa pamamagitan ng online system maari nang hindi magtungo sa PCSO extension office sa Lung Center ang mga aplikante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *