Voting jointly ng Senado at Kamara sa extension ng Martial Law, ‘di kailangang pagdebatehan – Sen. Koko

National News

Walang dapat pagtalunan ang mga mambabatas na dadalo para sa joint session kaugnay sa hiling ng Pangulong Duterte na pagpapalawig ng martial law.

Sa pahayag sinabi ni  Senate President Aquilino “Koko” Pimentel nakasaad sa konstitusyon na voting jointly ang mangyayari kapag nagkaroon ng joint session ang kongreso.

Maging si Senate Majority Floor Leader Tito Sotto ay naniniwalang hindi dapat  pagtalunan sa joint session bukas ang tungkol sa joint voting.

Sinag-ayunan naman ni Sen. Ralph Recto ang pahayag na ito ni Sen. Sotto na alam ng bawat mambabatas na nakasaad sa konstitusyon na voting jointly ang magaganap sa magiging desisyon para sa extension ng martial law sa buong Mindanao.

Pero para naman kina Sen. Richard Gordon at Joel Villanueva kailangan talakayin sa floor ang gagawing pagboto ng mga mambabatas sa extension ng martial law at dapat ay i-separate ang boto ng senado sa kamara.

Si Sen. Panfilo Lacson naman ay nagsabing dapat ay gumawa ng rules ang bawat majority floor leader ng senado at kamara na syang pag-uusapan sa floor sa gagawing joint session.

Samantala, mayroon nang draft ng rules na ginawa ang ilang opisyal ng senado at kamara para sa isasagawang joint session na nasa m’yembro na ng kongreso kung ito ay ia-adopt.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *