Gilas, bumawi sa laban kontra Iraq

Sports

Nakabawi ang Gilas Pilipinas mula sa pagtakalo sa South Korea sa nagpapatuloy na William Jones Cup sa Taiwan.

Ito ay matapos nilang talunin ang koponan ng Iraq sa iskor na 84-75.

Nanguna sa panalo ang import na si Mike Myers na nagtala ng 16 puntos at 18 rebounds.

Nagdagdag naman ng 13 puntos at anim na assists si Kiefer Ravena habang nag-ambag rin ng 12 puntos si RR Pogoy.

Nagawa pa ng Iraq na pababain ang lamang ng Gilas sa 78-70 sa huling minuto ng laban pero nanaig sa huli ang Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *