Grupo ng TNVS, muling nanawagan na bawiin ang suspensyon ng kanilang franchise application

Metro News

Muling nananawagan ang ang mga drivers and operators ng Transportation Network Vehicles Services (TNVS) sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board o LTFRB na bawiin na  ang mga suspensiyon sa franchise applications sa mga ito.

Anila, marami sa kani-kanilang pamilya ang maapektuhan sa kanilang pamumuhay lalot nat namumuhay naman silang ng marangal.

Ayon sa naturang grupo umabot na sa 4,649 ang physical signature campaign para sa petisyon sa  LTFRB bilang pakikiusap na mabigyan ng pardon ang kanilang mga miyembro na nag-ooperate na walang franchise.

Sang ayon naman ang grupo na limitahin ng LTFRB ang kanilang lumulobong bilang ng TNVS  basta huwag  lamang suspendihin ang nasabing applications.

Itinakda ngayong araw ng LTFRB ang pagrilis ng Memorandum Circular No. 2016-008 para tigilin na ang Tnvs application nationwide.

Aminado din ang grupo na walang silang guideline kung paano mag-comply sa naturang ahensiya dahil  mismo ang LTFRB ay wala ring maibigay na guidelines para sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *