Mga miyembro ng Bayan Muna Central Visayas, PISTON at iba't ibang cause oriented groups nagsagawa ng kilos-Protesta sa Cebu

Regional

Nag martsa mula sa Cebu Provincial Capitol papuntang downtown area ang iba’t ibang cause oriented group sa Cebu kasunod ng kanilang version ng People’s SONA.

Ayon kay Jaime Paglinawan, ng Bayan Muna Central Visayas na hindi sila kontento sa nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang taong panunungkulan sa bansa.

Dagdag pa nito na tutol sila sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao dahil marami ang apektado sa patuloy na kaguluhan sa Marawi City at hanggang ngayon ay hindi pa nauubos ang mga terorista sa nasabing lugar.

Maliban sa panawagan ng mga ito sa pagtutol sa martial law, nagpahayag din sila ng kanilang pag tutol sa patuloy na war on drugs, patuloy na pag tanggap ng foreign financial aid, kasama na rin sa kanilang panawagan ang pagpawalang bisa sa pag-phase out ng mga puj at puvs, gayundin gusto ng mga ito na maIpatupad ng pangulo ang mga pangakong tulong para sa mga magsasaka.

Binigyan nila nang singko puntos na grado ang pangulo sa unang taong pamumuno sa bansa.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *