Martial Law extension, idudulog sa Korte Suprema

National News

Iaapela sa Korte Suprema ni Albay Rep. Edcel Lagman ang inaprubahang extension ng martial law sa Mindanao hanggang Disyembre 31.

Sinabi ni Lagman na ngayong linggo ay ihahain nila ang petition sa Supreme Court (SC) kung saan kukuwestiyunin nila ang factual basis ng extension at ang haba ng Proclamation 261 ni Pangulong Duterte.

Paliwanag pa ni Lagman, na hindi tama na ang buong mindanao ay isasama sa extension ng martial law dahil kung mayroon man rebelyon ay hindi dapat idamay ang buong rehiyon.

Bukod dito masyado rin umanong mahaba ang implementasyon ng martial law ng 150 days gayung ang nakasaad lang sa saligang batas ay dapat 60-days lang.

Samantala, kumpiyansa naman si Davao City Rep. Karlos Nograles na sa kabila ng petisyon ni Lagman ay aayunan pa rin ng Korte Suprema ang kongreso sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *