Seguridad sa ikalawang SONA ni Duterte, mas hinigpitan – NCRPO

National News

Matinding paghihigpit ang gagawin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa seguridad sa ikalawang SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Kasunod ito sa serye ng mga pag-aatake na inilunsad ng komunistang grupong npa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay NCRPO Chief PDir. Oscar Albayalde na mayroon silang ipinatupad na security protocols para sa mga militanteng grupo na magsasagawa ng kilos protesta.

Una nang nakiusap ang PNP sa mga militanteng grupo na bantayan ang kanilang hanay sa posibilidad na baka malusutan ang mga ito ng mga indibidwal na may layon na manggulo.

Aminado ang heneral na nagkakaproblema ngayon sa peace talks sa CPP-NPA-NDF kung saan kinansela mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang back channel talks sa komunistang grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *