Sen. Hontiveros, hirap magtiwala sa Martial Law extension

National News

Kinodena ni senador Risa Hontiveros ang ekstensyon ng martial law sa buong Mindanao.

Sinabi ni Hontiveros na nahihirapan siyang magtiwala na magkakaroon ng makataong implementasyon ang ekstensyon ng batas militar hanggang sa huling araw ng taong kasalukuyan.

Aniya, hindi naipakita ng mga humarap na resource speakers sa joint session ng kongreso kung ano ang maitutulong ng deklarasyon ng batas militar sa paglaban sa Maute terror group na patuloy na nagdadala ng kaguluhan sa Marawi City.

Inamin naman ni Hontiveros na nahihirapan siyang magtiwala na masusunod ng batas militar ni Pangulong Duterte ang mga nakapalaman sa konstitusyon.

Ito ay dahil umano sa naunang mga pahayag ng pangulo na walang magiging pagkakaiba ang kanyang martial law declaration sa  batas militar noon ni dating pangulo Ferdinand Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *