Angara, nanganganib na ‘ma-Recto’ dahil sa tax reform package

National News

Magco-convene bilang “committee of the whole” ang senado sa susunod na linggo para talakayin ang tax reform package ng Duterte Administration.

Ayon kay senador Panfilo Lacson, mabibigyan ng pagkakataon ang lahat ng senador na makaboto tungkol sa sinasabing kontrobersyal na panukala.

Nakikisimpatiya rin aniya sila kay Sen. Sonny Angara, Chairman ng Senate Ways and Means Committee, dahil baka matulad ito sa sinapit noon ni dating Sen. Ralph Recto.

Ang tinutukoy ni Lacson ay ang pagkatalo ni Recto sa 2007 election matapos na hindi ikinatuwa ng mga pilipino ang isinulong nitong value added tax o vat.

Matatandaang pinuna ni Duterte sa kanyang SONA si Angara na hindi pumalakpak nang banggitin ng pangulo sa kaniyang state of the nation na nais niyang maipasa agad nang buo ang kaniyang tax reform proposal.

Isa lang si Angara sa ilang senador na nagpahayag ng reserbasyon sa panukalang pagdagdagng excise tax sa mga produktong petrolyo dahil sa magiging epekto nito sa mga bilihin, pamasahe at iba pang serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *