White House Media Chief Anthony Scaramucci, tinanggal na sa puwesto

International News

Tinanggal na sa kanyang pwesto bilang White House Communications Director si Anthony Scaramucci ilang araw matapos siyang italaga sa nasabing pwesto.

Inulan ng batikos si Scaramucci matapos himukin ang isang reporter na magbigay ng tirada laban sa kanyang mga kasamahan.

Kinumpirma ng White House na hindi na masaya sa performance ni Scaramucci si US President Donald Trump.

Pinalitan ni General John Kelly si Scaramucci na nanumpa na rin sa puwesto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *