Arum, inaasikaso na ang Pacquiao – Horn rematch

Sports

Inaasikaso na ni Top Rank promoter Bob Arum ang rematch sa pagitan nina Manny Pacquiao at Jeff Horn.

Ayon kay Arum, tinututukan na niya ang promotional rights para sa naturang rematch kasama ang duco productions na namamahala kay Horn.

Inaasahan ni Arum na magkakaroon na ng pinal na anunsyo sa mga susunod na linggo dahil gusto nitong sa Nobyembre o Disyembre maganap ang laban sa Brisbane o sa Melbourne, Australia.

Una nang nagpahayag si Pacquiao na bukas ito na muling labanan si Horn.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *