Ilang lugar sa Rizal, binaha; daan, gumuho 

Regional

Gumuho ang isang bahagi ng daan sa isang subdibisyon sa Barangay Silangan, San Mateo, Rizal dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Wala namang napaulat na nasugatan sa insidente.

Binaha rin ang ilang lugar sa Rizal dahil sa naranasang severe thunderstorm kanina.

Nagmistulang ilog naman ang ilang kalsada sa Cypress Village at Village East sa Cainta, Rizal.

Simula pa kaninang umaga ay ilang beses na nagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa lalawigan ng Rizal at maging sa Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *