Magkapatid na Parojinog, dapat nang palayain – Atty. Topacio

National News

Iginiit ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng mga Parojinog, na dapat ay makalaya na ang kanyang mga kliyente na sina Ozamiz vice mayor Nova Princess Parojinog-Echavez at Reynaldo Parojinog, Jr.

Paliwanag ni Topacio, nadetine ang kanyang mga kliyente nang lagpas na sa tatlumpu’t anim na oras.

Wala rin aniya siyang hawak na kopya ng search warrants pero kung pagbabatayan ang mga report, alas sais ng gabi, Agosto 1, ay natapos na ang nakatakdang tatlumpu’t anim na oras.

Dagdag pa ni Topacio, dapat ay mapanagot ang mga nagsagawa ng pag-aresto sa magkapatid na Parojinog dahil sa kabiguan ng mga ito na isuko ang mga nakadetine sa judicial authorities.

Sinabi rin ni Topacio na walang ibinigay na rason ang Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) kung bakit sa halip na kahapon ay ngayon isinagawa ng Department of Justice (DOJ) ang inquest proceedings.

Sa ngayon ay nakadetine sa PNP Custodial Center ang magkapatid na Parojinog matapos ang nangyaring raid sa kanilang bahay sa Ozamiz City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *