Palasyo: CHR at Ombudsman malayang mag-imbestiga kaugnay sa kaso ng Parojinog

National News

Hindi kailangan pang magbigay ng sulat sa Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission of Human Rights (CHR) at Ombudsman para imbestigahan ang pagkamatay ng mga Parojinog.

Ito ang nilinaw ni senior deputy executive secretary Menardo Guevarra sa press briefing sa Malakanyang dahil isa aniyang independent constitutional body ang CHR at Ombudsman.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan munang kumuha sa kaniya ng approval para imbestigahan ng CHR at Ombudsman ang mga pulis at sundalo na sumusunod lamang sa kaniyang utos kaugnay sa kampanya nito kontra iligal na droga.

Paliwanag ni Guevarra na isang abugado ay piskalya ang pangulo at alam nito na may sariling mandato ang CHR at Ombudsman.

Aminado si Guevarra na may kapangyarihan ang Pangulong Duterte para utusan ang mga pulis na huwag daluhan ang mga imbestigasyon sa kanila ngunit kumpiyansa itong hindi ito gagawin ng commander in chief at susunod ito sa proseso ng batas.

Naniniwala ang senior deputy executive secretary na ang naging pahayag ng pangulo kaugnay sa imbestigasyon ng mga nasasangkot na pulis sa drug operations ay kaniyang binitawan bilang isang commander in chief at hindi isang chief executive.

Magugunitang nasawi si Ozamis mayor Reynaldo Parojinog, asawa nito na si Susan at iba pang kasamahan nang magraid ang mga awtoridad sa tahanan nito nitong linggo.

Kasalukyang nasa kamay ng mga otoridad ang kaniyang anak na si vice mayor Nova Princess Parojinog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *