Parojinog raid, pinaiimbestigahan ni de Lima sa senado

National News

Pinaiimbestigahan ni Senador Leila de Lima sa senado ang madugong police raid sa bahay ng mga Parojinog sa Ozamiz City.

Ayon kay de Lima, kahina-hinala ang nangyaring raid at ang pagsisilbi ng search warrant sa bahay ng mga Parojinog.

Magugunitang isinilbi ang search warrant sa mga Parojinog alas dos ng madaling araw.

Nasa labing-anim ang nasawi sa nangyaring raid habang arestado naman ang mga anak ni Ozamiz mayor Reynald Parojinog, Sr., na sina vice mayor Nova Princess Parojinog at Reynaldo Parojinog, Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *