Vitangcol, naghain ng ‘not guilty’ plea sa Sandiganbayan

Metro News

Naghain ng ‘not guilty’ plea si dating Metro Rail Transit Line 3 general manager Al Vitangcol sa kinakaharap na kasong katiwalian sa Sandiganbayan.

Ito ay may kaugnayan sa umano’y pangingikil ni Vitangcol ng tatlumpung milyong dolyar sa Czech company na Inekon kapalit ng maintenance contract ng railway system at mga dagdag na bagon noong 2012.

Kalaunan ay napunta ang kontrata ng light rail vehicles (LRV) sa CNR Dalian mula sa China habang ang maintenance contract ay nai-award naman sa PH-Trams.

Una nang ibinasura ng Sandiganbayan ang inihaing motion to quash ni Vitangcol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *