Batas sa pagpapalawig ng validity ng passport at driver’s license, pirmado na ni Duterte

National News

Nilagdaan na bilang ganap ng batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig sa bisa ng pasaporte ng Pilipinas ng hanggang sampung taon.

Batay sa Republic Act 10928, mula sa limang taong validity ng Philippine passport ay magiging sampung taon na ito.

Kasabay nito, nilagdaan na rin ni Pangulong Duterte ang panukalang gawing limang taon ang validity ng driver’s license.

Sa ilalim ng Republic Act 10930, mula sa tatlong taon ay magiging limang taon na bago ang expiration date ng lisensiya sa pagmamaneho.

Magkakabisa ang dalawang bagong batas labing limang araw matapos na ito’y mailathala sa mga pahayagan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *