Malacañang

Dating Pangulong Noynoy Aquino, tinawag na “gago” ni Pangulong Duterte

National News

Galit na bumuwelta si Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Pangulong Noynoy Aquino na nagsabing “parang wala yatang nangyari” sa anti-drug war ng administrasyon.

Sa kanyang mensahe sa 113th founding anniversary celebration ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Quezon City, hinamon ni Duterte si Aquino na subukang pumasok sa droga kung hindi siya maputulan ng ulo.

Tahasan ding tinawag ng pangulo na “gago” si Aquino at sinumbatan sa pagsasabing ang mga heneral na nakapaligid noon sa kanya gaya ni Ret. Gen. Vicente Loot ay sangkot sa iligal na droga.

Matatandaan na sinabi ni Aquino na halos walang pinagbago ang bilang ng mga drug users sa kanyang panahon at sa kasalukuyan na may ipinatutupad pa aniyang war on drugs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *