Resulta ng congress inquiry sa BOC, hihintayin ni Duterte bago magdesisyon kay Faeldon

National News

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang bibigyan ng “due process” si Customs Commissioner Nicanor Faeldon kaugnay sa pagkakapuslit ng 6.4 Billion pisong halaga ng shabu mula sa China.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hihintayin nito ang resulta ng imbestigasyon ng kongreso at pag-aaralang mabuti bago magdesisyon.

Ayon kay Pangulong Duterte, magiging patas siya sa pagtimbang anuman ang magiging laman ng report ng kongreso.

Pero inamin ni Duterte na nananatili pa rin daw ang kanyang kumpiyansa kay Faeldon dahil sa kanyang pinaniniwalaang integridad ng dating marine captain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *