Away mag-asawa’ nina Comelec Chair Bautista at Mrs. Patricia, hindi pakikialaman ni Duterte

National News

Binalewala lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabing epekto ng kinakaharap na kontrobersya ni Commission on Elections (ComElec) Chairman Andres Bautista sa kredibilidad ng nakaraang eleksyong napanalunan niya.

Sa press briefing ngayong gabi, ipinagkibit-balikat lamang ni Pangulong Duterte nang matanong hinggil sa epekto ng kaso kay Bautista sa nakaraang eleksyon.

Sinabi ni Pangulong Duterte, totoong nakipagkita sa kanya si Mrs. Bautista noong huling Linggo ng Hulyo para talakayin ang binabalak na kasong isasampa sa kanyang asawang Comelec Chairman.

Iginiit ni Pangulong Duterte na hindi siya nanghihimasok sa away mag-asawa ng mga Bautista.

Nakausap din daw nito si Chairman Bautista at sinabihan lamang nitong ayusin anuman ang gulo o away nilang mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *