Pagreretiro sa boxing, inanunsyo ni Bradley

Sports

Inanunsyo ni dating two-division world champion Timothy Bradley ang pagreretiro sa kanyang boxing career.

Sa Instagram account ni Bradley, sinabi nitong magiging pokus na niya ang kanyang pamilya ngayong siyang magreretiro na.

Hawak ni Bradley ang 33-2-1 record kung saan ang 2 talo nito ay sa kamay ni Senador Manny Pacquiao nang magkaroon sila ng trilogy fight.

Si Bradley ay kasalukuyang boxing commentator.

Pinakahuli nitong sinaksihang boxing match ay ang pagkatalo ni Pacquiao sa WBO world welterweight fight kontra kay Jeff Horn.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *