ASEAN pinatunayang mali ang mga kritiko, makalipas ang 50 taon – Cayetano

National News

Mali ang mga kritiko ng Association of SouthEast Asian Nations o ASEAN sa kanilang panghuhusga at pagtaya sa kahihinatnan ng ASEAN.

Ito ang binigyang-diin ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano sa kanyang mensahe sa closing ceremony ng 50th ASEAN Foreign Ministers’ meeting.

Sinabi ni Cayetano na napatunayan ng ASEAN na mali ang mga kritiko ng ASEAN dahil ngayon ay tagumpay na napatatag, napayapa at napaunlad ng ASEAN ang rehiyon sa gitna ng mga hamong hinarap mula sa pagkakaiba ng idolohiya, paniniwala, sistemang pampulitika at kultura.

Kasabay nito, inihayag ni Cayetano na umaasa siyang iuuwi ng mga kapwa Foreign Minister sa kanilang mga puso ang Filipino hospitality, pagmamahal sa kapitbahay na bansa at pagsasabuhay sa diwa ng ASEAN bilang iisang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *