SC, pinagbigyan ang hirit ng mga petitioners na makakuha ng dokumentong kailangan sa impeachment case laban kay CJ Sereno

National News

Pinagbigyan na ng Supreme Court (SC) ang kahilingan ng dalawang grupo na nagsusulong na matanggal si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa puwesto.

Una ng hiniling ng grupo na maglabas ang korte suprema ng mga dokumentong kailangan ng kamara para sa impeachment complaint laban sa Chief Justice.

Sinabi ni SC Spokesman Theodore Te nagdesisyon ang high court na ibigay sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at Vanguard of the Philippine Constitution Inc (VPCI) ang certified true copies ng mga dokumento.

Hindi naman pinagbigyan ng korte suprema ang hirit ng VACC at VPCI na kopya ng memorandum ni De Castro sa en banc na may petsang July 10, 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *