Senador Bam Aquino, tiniyak na hindi maaabuso ang free tuition fee act

National News

Sang-ayon ang Senado na hanapan ng sapat na budget ang free tuition fee act kung saan principal sponsor si Senator Bam Aquino.

Sinabi ni Aquino na nag-commit na ang Senado na hahanapan ito ng pondo sa pamamagitan ng Chairman of Finance na si Senator Loren Legarda.

Dagdag pa ng Senador na kailangan ding bantayan ang pag-implement ng nasabing batas para maipatupad ng maayos sa mga pamilyang mahihirap na may mga anak na gustong makapagtapos sa pag aaral.

Samantala, sinabi rin ni Bam na walang mangyayaring pang-aabuso sa free tuition fee act at covered ang lahat ng estudyante na nag-aaral basta’t enrolled ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *