Tulong ng US sa Marawi at Mindanao, patuloy ayon kay Tillerson

National News

Tiniyak ng Estados Unidos na hindi sila titigil sa pagtulong sa Marawi at Mindanao sa kabila ng madalas na pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Tillerson, wala namang masama kung tumulong ang Amerika sa Mindanao kahit pa may sentimiyento sila sa isyu ng human rights kaugnay sa war on drugs ng gobyerno.

Ilan naman sa mga ayudang ibinigay ng US sa Pilipinas ay ang cessna planes at uav o drones, isang surveillance capabilities na ginagamit upang labanan ang mga terorista.

Samantala, inanunsyo ni Australian Foreign Minister Julie Bishop na maglalaan ang canberra ng $20 million para sa recovery efforts sa Marawi.

Maliban pa rito, magbibigay din ng tulong ang Australia para sa para sa pagkain at iba pang supply na una nang ipinangako ng Australia noong Hunyo.

Handa ring pondohan ng naturang bansa ang small-scale infrastructure projects sa mga komunidad sa paligid ng Marawi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *