Patricia Bautista, pinaghahandaan na ang maaaring isampang kaso laban sa asawa nitong si Comelec Chairman Bautista

National News

Magsasampa ng kaso ang kampo ni Patricia Paz Bautista laban sa mga taong kasabwat umano para maitago ang mga kayamanan ng kaniyang asawa na si Comelec Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Martin Loon, abogado ni Patricia, hindi pa nila masampahan ng kaso si Bautista sa ngayon dahil sa immunity from suit bilang isang impeachable official.

Sinabi ni Loon na maghahain sila ng kaso sa tamang oras pero tumanggi pa itong pangalanan at kung ilang katao ang kanilang kakasuhan.

Samantala, nakahanda umanong harapin ni Patricia ang mga kasong isinampa sa kanya ng Comelec Chief na kinabibilangan ng extortion, robbery at grave coercion.

Naniniwala si Loon na hina-harass lamang ni Comelec Chairman ang kanyang asawa para tumahimik na ito sa kanyang pagsisiwalat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *