Senado, ikinulong ang 2 chinese na iniuugnay sa Php 6.4 B drug shipment dahil sa pagsisinungaling

National News

Pinatawan ng cited for contempt ng Senado ang dalawang chinese businessmen sa pagharap sa Senate Inquiry kaugnay sa Php 6.4 B drug shipment na nakalusot sa Bureau of Customs.

Inaprubahan ni Senate President Koko Pimentel na ikulong sa Senate building sina si Richard Tan, ang may-ari ng bodega ng Hong Fei Logistics na pinagdalhan ng anim na daang kilo ng shabu at si Manny Li na nagpasa ng mga dokumento ng shipment ng droga mula sa China.

Una nang tinukoy ni Philippine Drug Enforcement Agency Regional Director Wilkins Villanueva na nagsisinungaling ang dalawa dahil sa paiba-ibang pahayag.

Naniniwala naman sina Sen. Richard Gordon at Sen. Tito Sotto na magsabi na ng totoo sina Tan at Li sa muling pagharap sa Senate Inquiry matapos makapagmuni-muni.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *