Gilas, pasok na sa quarterfinals ng FIBA ASIA CUP 2017

Sports

Pasok na sa quarterfinals ng FIBA ASIA CUP 2017 ang Gilas Pilipinas matapos nitong talunin ang koponan ng Qatar sa iskor na 80-74.

Naging susi ng Gilas ang mga three points shots upang lamangan nito ng anim na puntos ang Qatar sa huling quarter ng laro.

Pinangunahan naman ni Matthew Wright ang Gilas na nag-ambag ng 25 puntos.

Sa ngayon, hawak na ng Gilas 3-0 win/loss record sa nagpapatuloy na FIBA ASIA CUP matapos nitong talunin ang Qatar.

Sa ibang group naman mayroon ding hawak na tatlong panalo at wala pang talo ang bansang Australia at Iran.

Makakaharap naman ng Gilas para sa quarterfinals kung sino sa Japan at Korea ang mananalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *