Mataas na opisyal sa BoC, dawit din sa illegal transactions

National News

Muling magsasagawa ng imbestigasyon ang senado ngayong araw kaugnay pa rin sa Php 6.4B shabu na nakalusot sa Bureau of Customs.

Nakatakdang bubusisiin ng mga senador ang umano’y mga opisyal na nakikinabang sa illegal shipment at iba pang maling proseso sa ahensya.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, nais niyang mausisa sa tetistigong si Mark Taguba kung anong papel ng mga binabanggit nitong opisyal ng BoC at iba pang indibidwal.

Base sa listahan ni Taguba, bukod sa mga una nang pinangalanan, lumalabas na may kasing taas pa ni Customs Comm. Nicanor Faeldon na nakikinabang umano sa suhulan.

Inaasahang ihaharap muli sina Manny Li at Richard Chen sa pagdinig para matanong ng mga Senador.

Matatandaang ikinulong sa Senado ang dalawa dahil sa umano’y pagsisinungaling ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *