Mainit na bakbakan sa paghaharap ng Gilas Pilipinas at South Korea sa quarterfinals ng FIBA Asia Cup

National News

Matapos na walisin ng koponan ng Gilas Pilipinas ang mga kalaban nito sa Group B habang matagumpay naman na iwinasiwas ng South Korea ang kalabang Japan sa Group C kagabi, asahan na umano ang matinding bakbakan ng dalawang tinaguriang magkaribal sa larangan ng basketbol sa FIBA Asia Cup history.

Ang Pilipinas ay may malinis na 3-0 record sa Group B, habang ang South Korea ay may 2-1 record sa Group C.

Batay sa statistika, ang koponan ng Pilipinas ang umano’y toughest team to beat ngayong taon dahil sa balanced scoring at defensive intensity.

Si Terrence Romeo bilang leading scorer ng Gilas na may average of 17.7 points per game ay haharap kay Sekeun Oh Ng South Korea na may average 13.8 points per game.

Samantala, ayon kay Gilas head coach Chot Reyes, kailangan pang palakasin ang three-point shooting ng Gilas na may malaking bentahe sa bawat laro nito.

Ang mananalo ngayong araw ay aabante sa semifinals sa Sabado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *