9 na bus terminal sa Edsa-Cubao, ipinasara ng MMDA

Section

Ipinasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Quezon City business permits and licensing office (bplo) ang siyam na non-compliant bus terminals sa Edsa-Cubao, Quezon City.

Kabilang dito ang Golden Bee, Five Star, Philtranco, dalawang terminal ng first North Luzon transit, Jac Liner, Lucena Lines, Amihan bus Lines at ES transport.

Ipinasara ang mga bus terminal dahil sa iba’t ibang paglabag kasama na ang paglabag sa nose-in nose-out policy ng MMDA at kawalan ng ilan ng business permit.

Una nang ipinasara ng MMDA ang anim pang bus terminal sa Cubao dahil pa rin sa mga paglabag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *