LTFRB driver’s academy, binuksan

National News

Nagsimula na ang klase ng kauna-unahang drivers academy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nasa limampung driver ng mga pampublikong sasakyan ang maagang nagtungo sa LTFRB at nag-enrol.

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, panahon na para i-professionalize ang transport industry at paalalahanan ang mga tsuper sa tamang pagmamaneho at tamang pag-trato sa mga pasahero.

Mabibigyan aniya ng I.D at certificate ang mga driver na makakapasa sa pagsusulit na magiging batayan kung sila ba ay matinong driver.

Habang maitatala sa database ng ahensya ang performance ng mga driver kaya’t makakapili ng matinong driver ang mga operator.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *