Alkalde sa bayan ng Lanao Del Norte, arestado dahil sa pagdadala ng mga armas at granada

 

Inaresto ng Ozamiz City PNP ang alkalde ng , Lanao Del Norte na si Mayor Lorenzo Manigos dahil sa pagdadala ng mga armas at granada

Naharang ang alkalde at apat pang kasama nito na sina Ricky Bantillan, Mario Dayaman, Nestor Gabrinez at Noel Agapia sa isang checkpoint sa brgy Baybay Triunfo, Ozamiz City

Ayon kay Ozamiz City Chief of Police, PCINSP. Jovie Espinido, sasampahan ng kasong illegal possession of firearms at explosives si Mayor Lorenzo at ang apat na kasamahan nito.

Sa ngayon ay nakakulong sa detention facility ng Ozamiz City Police Station ang alkalde.

Tinitingnan din ng mga otoridad ang involvement ni Mayor Lorenzo sa illegal drug trade at ang kuneksiyon nito sa mga Parojinog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *