Pamilya Delos Santos, magsasampa ng reklamong murder

Metro News

Magsasampa ng reklamong murder ang pamilya ni Kian Delos Santos, ang disi siyete anyos na pinatay sa police operations sa Caloocan.

Ayon kay public attorney’s office (pao) Chief Attorney Persida Acosta, isasampa ang reklamo dahil sa nakitang tatlong fatal wounds at isang treacherous wounds.

Dalawa sa fatal wounds ay nakita sa ulo ni Kian habang isa ay sa likod.

Sinabi rin Acosta na hihintayin niya ang resulta ng forensic exam ni Kian at pagsasama-samahin ang ebidensya laban sa mga pulis na nagsagawa ng operasyon.

Matatandaang noon Hulyo 2016 ay sinabi ni Acosta na hindi maaaring isisi sa pulisya ang mga kaso ng pagpatay dahil sa sumuko naman umano ang mga biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *