Walong gintong medalya, nasungkit ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 2017 SEA games

Umabot na sa walong gintong medalya ang nasusungkit ng mga Pilipinong manlalaro sa 2017 SouthEast Asian games.

Nagdadag si Eric Cray ng gintong medalya para sa Pilipinas matapos manguna sa 400 meters hurdle event.

Bago nito, nakasungkit ng gintong medalya ang mga atletang pinoy na sina Reyland Capellan at Kaitlin De Guzman para sa gymnastics, Agatha Wong para sa Wushu, at Brennan Wayne Louie para sa fencing.

Nakasungkit rin ng gold medal sina Marion Kim Mangrobang at Nikko Bryan Huelgas sa Triathlon, Mary Joy Tabal para sa women’s marathon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *