Pagtanggap ng ‘tara’, itinanggi ni Faeldon

National News

Itinanggi ni Dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na tumanggap siya ng isandaang milyong pisong ‘welcome gift’ noong maitalaga siya sa Bureau of Customs.

Sa isang pahayag, iginiit ni Faeldon na hindi siya kailanman tumanggap ng suhol o “tara” sa kaniyang panunungkulan sa Customs.

Hindi rin aniya siya nasangkot sa katiwalian sa buong panahong pagsisilbi sa gobyerno.

Nanawagan naman si Faeldon ng third-party investigation kaugnay sa umano’y anomalya sa loob ng BoC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *