DFA ,nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi sa hurricane Harvey sa Texas ,USA

Nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi ang Department of Foreign Affairs  ng hagupit ng  Hurricane Harvey sa buong State ng Texas Usa.

Ayon sa DFA nasa lima ang nasawi habang dose dosena namang katao ang nasugatan. Dulot ng tinaguriang the most powerful hurricane sa Texas.

Base naman sa ulat ng Philippine Consulate General ng Los Angeles walang Pilipino  ang kabilang sa mga nasawi at nasugatan dulot ng insidente.

Tinatayang 80,000 na mga Pilipino ang kasalukuyang nasa Houston Texas ang patuloy na minomonitor ng Consulate General.

Ayon  kay Consul General Adelino Angelito Cruz tinatayang nasa 70,000 Filipino Communitiy Memebers ang nasa Houston kung saan ito ang itinuturing na pinaka malaking siyudad ng America ,5000 sa Rio Grande habang limang libo din sa San Antonio.

Matatandaan sa mga nakalipas na dalawang araw nakaranas ng mahigit 26 inches na ulan sa Metro Houston kung saan nagdulot ito ng malaking pagbaha sa lugar.

Umabot din sa halos 300,000 kabayahan naman ang nawalan ng kuryente dahil sa pananalasa ng sama ng panahon.

Mahigit isang libo naman na mga tao sa Houston Texas ang magdamagang inilikas dahil sa malaking baha ang naaranasan doon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *