Driver’s license na may 5-year validity, ilalabas na bukas

Ipamamahagi na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga driver’s license na mayroong limang taong validity simula bukas, araw ng martes.

Sa abiso ng LTO, ilalabas ang mga bagong lisensya simula alas otso ng umaga sa LTO central office, East Avenue, Quezon City.

Natapos na kasing iimprenta ang mga lisenya na gawa sa polycarbonate plastic at may pinaigting na security features.

Una nang sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ang five-year valid plastic license cards ay ipamamahagi na sa tatlong milyong drayber na nag-apply o nag-renew ng lisensya mula pa noong oktobre a-disi siyete ng 2016.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng LTO na bumuo ng online applications para sa mga driver na walang Violations o Citations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *